^

Bansa

Makati rally ng loyalists pumalpak

-
May 1,500 tagasuporta ni dating Pangulong Joseph Estrada ang nagmartsa mula sa EDSA Shrine patungo sa Ayala Avenue, Makati City at nag-rally dito kahapon ng umaga para tangkang hikayatin ang mga negosyante na sumama sa kanilang People Power 3.Pero hindi nagtagumpay ang kanilang rally dahil nagtagal lang sila ng limang oras sa naturang lugar bagaman nauna nilang ipinangakong hindi sila aalis doon bagaman balwarte ito ng mga grupong kontra kay Estrada.

Nagkaroon ng misa sa kanilang rally at nagkaroon ng kantahan at mga talumpati. Nagbantay naman ang 200 pulis para masawata ang anumang kaguluhan.

Pero, pasadong alas-9:30 ng umaga nang biglang tumigil ang programa ng mga ralista, namatay ang sound system at inalis ang backup generator kasama ang dump truck na nagsilbing stage.

Ilang Estrada supporter ang naguluhan kung bakit biglang nahinto ang programa at pinababalik sila ng kanilang mga lider sa EDSA Shrine gayong sinabihan sila na mananatili sila sa Ayala. Ilan sa kanila ang nagmatigas na pumirmi sa naturang lugar pero tuluyan ding umalis at nagbalik sa EDSA pagsapit ng tanghali. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYALA

AYALA AVENUE

ILAN

ILANG ESTRADA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

NAGBANTAY

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PEOPLE POWER

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with