Erap isinugod sa ospital
April 29, 2001 | 12:00am
Isinailalim at isinugod sa isang executive checkup sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City si dating Pangulong Joseph Estrada makaraang pasikreto siyang ilabas mula sa kanyang selda sa Camp Crame kahapon ng umaga.
Bandang alas-10:45 ng umaga nang ihatid si Estrada ng helicopter patungo sa ospital. Kasama niya ang asawang si dating Unang Ginang Dr. Luisa Ejercito, mga anak na sina JV, Jude at Jackie at ang nakabilanggo ring si Jinggoy.
Pagkatapos magpatingin sa ospital, dadalhin si Estrada sa detention cell ng Philippine National Police-Special Action Force sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna na magiging bago niyang kulungan habang nililitis siya ng Sandiganbayan sa kaso niyang plunder.
Isa sa dahilan ng desisyon ng PNP na ilipat si Estrada sa Laguna ang banta ng kanyang mga tagasuporta na nagdedemonstrasyon sa EDSA Shrine na sugurin ang Camp Crame, kunin siya at ibalik siya sa Malacañang.
Sinabi naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na walang dapat ipangamba ang pamilya ni Estrada na malalagay sa panganib ang buhay nito pagkalipat ng dating Pangulo sa Fort Sto. Domingo.
Sinabi ni Arroyo na ipinasya ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza na ilipat si Estrada para matiyak ang seguridad at kalusugan nito.
Naunang inamin ni Mendoza na ililipat agad nila sa Laguna si Estrada sa oras na magkaroon ng banta sa buhay nito.
Nabatid sa mga duktor na baka tumagal pa si Estrada nang isa o dalawang araw sa ospital. (Ulat nina Joy Cantos at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended