Dagdag-Bawas haharangin
April 28, 2001 | 12:00am
Sa pagdidiin na isang mahalagang pagsubok sa bagong sibol na demokrasya sa bansa ang pambansa at lokal na halalan sa Mayo 14, sinabi ni Senador Gregorio Honasan na haharangin ng 400,000 miyembro ng Philippine GUARDIANS Brotherhood Inc. ang anumang operasyon sa pandadaya tulad ng tinatawag na Dagdag-Bawas.
Nanawagan din si Honasan sa mga botante na maging mapagmatyag at ireport ang anumang uri ng iregularidad na may kinalaman sa halalan.
Ayon kay Honasan, tagapagtatag ng PGBI na binubuo ng mga retiradong sundalo at pulis at civic-minded civilian, pagtutuunan ng kanilang mga miyembro ang bantay-balota, pipigilin ang tangkang pag-aagaw ng mga balota at lalabanan ang terorismo sa halalan. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest