Ito ang sinabi ng tagapagsalita ng PnM na si Atty. Crispin Remulla sa isang panayam kahapon sa programa ni Katrina Legarda sa ABS-CBN News Channel.
Pinabulaanan din ni Remulla na nilalayon ng mga Estrada loyalist sa rally ng mga ito sa EDSA Shrine na maibalik sa puwesto si Estrada.
Wala pa anyang pinal na desisyon ang PnM kaugnay ng iminumungkahing snap elections dahil walang tadhanain para rito ang Konstitusyon.
Pero sinabi ni Remulla na maidaraos ang halalan kung kikilalanin ni Arroyo na acting president lang ito at itutuloy ang impeachment proceeding laban kay Estrada.
Sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na tutol ang Malacañang sa panukalang snap elections.
"Hindi usapin ang snap election. Maaaring nananaginip sila," sabi pa ni Tiglao na nagdagdag na nirerespeto ng Pangulo ang karapatan ng mga demonstrador sa EDSA Shrine. (Ulat ni Ely Saludar)