'Nais na ba ninyo akong mamatay?' - Miriam
April 27, 2001 | 12:00am
Nais nyo na ba akong mamatay?
Ito ang sagot ni Senador Miriam Defensor-Santiago nang tanungin siya ng mga reporter kamakalawa ng gabi kung tutuparin niya ang kanyang pangako na tatalon siya mula sa isang eroplano nang walang parachute kapag inaresto at ikinulong si dating Pangulong Joseph Estrada.
Isa si Santiago sa mga huling bisita ni Estrada sa loob ng himpilan ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force sa Camp Crame sa Quezon City.
Nang tanungin kung itutuloy niya ang kanyang plano, sinabi ni Santiago na "Ginawa ko na. Pero gusto ng mamamayang Pilipino na buhay ako. Gusto ba ninyo akong mamatay?"
Ipinaliwanag ni Santiago na bahagi lang ng kanyang rhetorical strategies ang pahayag niyang tatalon siya palabas ng isang eroplano kapag inaresto si Estrada. Dinakip at ikinulong si Estrada kamakalawa ilang oras makaraang magpalabas ng arrest warrant laban dito ang Sandiganbayan. (Ulat ni Christina M. Mendez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am