Killers ng mga kandidato ipinatutugis ni GMA
April 25, 2001 | 12:00am
Inatasan kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Armed Forces of the Philippines na sugpuin ang mga armadong grupo na pumatay na ng mahigit isang dosenang kandidato sa halalan sa Mayo 14.
"Inatasan ko ang militar na ipatupad ang batas, tugisin ang sinumang lumalabag sa batas," sabi ng Pangulo sa isang pulong-balitaan pero idiniin niya na mas nabawasan ngayon ang mga karahasang may kaugnayan sa halalan kumpara sa nagdaang mga eleksyon.
May 17 kandidato sa lokal na halalan at mga tauhan nito ang napatay sa loob lang ng nagdaang tatlong buwang kampanya para sa posisyon sa Kongreso at pamahalaang-lokal.
Nanawagan din kahapon ang Alternative Action, party list ng progresibong kabataan, sa pamahalaang Arroyo na bigyan ng pangunahing atensyon ang lumalalang karahasang pampulitika at krimen sa bansa.
Sinabi ni Elmer Argano, AA partylist nominee, lubhang nakakabahala na ang naturang mga karahasan tulad ng pagpatay sa mga mayor na sina Lope Asis ng Bayugan at Oscar Torralba ng La Paz, Agusan del Sur at ang pamumugot kamakailan sa tatlong kabataan sa Quezon City.
"Higit pa sa katarungan sa pamilya ng tatlong kabataang ito ang hinihingi ng AA kundi ang katiyakan sa mamamayan na ligtas sila hindi lang sa karumal-dumal na krimen, pati na rin sa ordinaryong krimen sa ating paligid," sabi pa ni Argano. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended