'Anong nangyari sa kaso ng anak ni Jawo?' -- Herrera
April 23, 2001 | 12:00am
Ano na ang nangyari sa kaso ni Ryan Joseph Jaworski, ang anak ni Senador Robert Jaworski na nagtangka umanong bumili ng bawal na gamot sa Makati City?
Ito ang kinuwestyon kahapon ni Bohol Congressman Ernesto Herrera isang buwan makaraang ihayag ng Makati Police na kinasuhan nito si Ryan Joseph at asawa nitong si Bernadette ng possession of illegal drugs sa prosecutor’s office ng naturang lunsod.
"May karapatan ang publiko na malaman kung may isinampang kaso sa korte o wala ang prosecutor’s office laban sa anak at manugang ng senador," sabi ni Herrera na kumakandidato ngayong senador.
Sinabi ni Herrera na dapat sabihin ng mga awtoridad kung walang isinampang kasong kriminal sa korte. "Unfair sa lahat, maging sa senador, sa kanyang anak at asawa nito kung iiwanan ang kaso nang hindi nalulutas sa paningin ng publiko," sabi pa ni Herrera na tagapangulo ng Citizen’s Drug Foundation.
Naunang napaulat na, nang tangkain umano ng batang Jaworski at ng asawa nito na bumili ng isang sachet ng shabu kay Michael Calimbahin noong Marso 19, hindi nila alam na minamanmanan na ito ng pulisya.
Agad na inaresto ng mga ahente ng Makati Police-Drug Enforcement Unit si Calimbahin habang nagbebenta umano siya ng P5,000 halaga ng 2.5 gramo ng shabu kay Ryan Joseph.
Nang lapitan siya ng pulisya, nagpakilala si Ryan Joseph bilang anak ni Sen. Jaworski bago isinuko sa police officer ang sachet ng shabu. Nagbigay pa sa pulis ng business card si Jaworski bago umalis lulan ng kanyang Ford F150 truck.
Hinikayat kamakailan ni Herrera si Sen. Jaworski na ipailalim ang anak nito sa drug test para malaman kung gumagamit ito ng bawal na gamot. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am