Guro ililibre sa buwis
April 22, 2001 | 12:00am
Pansamantalang malilibre sa pagbabayad ng withholding tax ang mga guro kaya tataas ang kanilang take-home pay na sapat para mapaghandaan nila ang enrolment ng kanilang anak sa eskuwelahan sa darating na pasukan.
Nakipag-usap na si Department of Education, Culture and Sports Secretary Raul Roco sa Bureau of Internal Revenue at sa Department of Finance para pansamantalang isuspinde ang pagkaltas ng withholding tax sa sahod ng mga guro mula Mayo 1 hanggang Hunyo 15 ngayong taong ito.
Inihayag kamakailan ni Roco ang magandang balita sa libu-libong guro sa pamamagitan ng isang Memorandum Order No. 126 na ipinakalat sa lahat ng paaralan sa bansa. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended