Erap di papayag isapelikula ang kanyang buhay
April 22, 2001 | 12:00am
Makulay at punong-puno ng drama ang buhay ni dating Pangulong Joseph Estrada pero hindi siya papayag na gawin itong pelikula dahil pangit ang wakas nito.
Ito ang inihayag kahapon ng dating kaibigan at kainuman ni Estrada na si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na nagsabi pa na hindi mahilig si Estrada sa mga pangit na wakas sa mga pelikula lalo pa at ito ang bida.
"Hindi siya mahilig sa pangit na ending. Kaya siguradong hindi siya papayag na gawing pelikula ang buhay niya," sabi pa ni Singson na ang pagbubunyag sa mga katiwalian ni Estrada ang nagbunsod para mapatalsik ito sa puwesto.
Sinabi pa ni Singson na mas gusto ni Estrada na mukha itong kawawa sa mga nilalabasan nitong pelikula noong artista pa ito pero nakakaganti siya sa pagtatapos ng palabas.
Idinagdag niya na siguradong hindi magiging maganda ang wakas ng pelikula hinggil kay ni Estrada dahil sa bilangguan ito pupulutin. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest