Sinabi sa ulat na inaresto noong Miyerkules ang suspek na si Edilberto Marcos makaraang bentahan niya ang isang ahente ng FBI ng pekeng 20 milyong US dollar share certificate para sa ginto na nagkakahalaga ng $800 milyon at nakalagak sa isang banko sa Switzerland.
Nabatid na tinutugis din ng International Commission Against Corruption ng Hong Kong si Marcos dahil sa planong pagkuha ng credit sa pamamagitan ng paggamit ng $148 bilyon na pawang mga pekeng US Federal Reserve notes.
Inaresto rin ng FBI ang umanoy isang dating tagapangulo ng Presidential Commission on Good Government na si David Castro na director din ng Metro Grant Holding na isang kumpanyang itinayo ni Marcos sa Hong Kong noong nakaraang taon. (Ulat ni Rose Tamayo)