Idiniin ng Supreme Court na, bagaman may hiwalay na kapangyarihan ang hudikatura at lehislatura, saklaw pa rin ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019) ang mga miyembro ng Senate at ng House of Representatives.
Isa nang senador si Santiago nang ipalabas ng Sandiganbayan ang suspension order pero isinaintabi lang ito at hindi ipinatupad ng noon ay presidente ng Senado na si Ernesto Maceda.
Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si Santiago sa naturang kaso noong Disyembre 1999 pero kinatigan ng Mataas na Hukuman ang legalidad ng suspension na ipinataw sa kanya ni Presiding Justice Francis Garchitorena. (Ulat ni Delon Porcalla)