2 nuisance bet humabol
April 21, 2001 | 12:00am
Bagaman may tatlong linggo na lang bago sumapit ang pambansa at lokal na halalan, nakahabol pa rin ang dalawang kumakandidatong senador na naunang naituring na nuisance candidate umano.
Pormal na idineklara kahapon ng Commission on Elections na kuwalipikadong kandidato sina dating Philippine Air Force Colonel Eddie Gil at Moner Bajunaid makaraang mapag-aralang mabuti ang kani-kanilang motion for reconsideration.
Naunang diniskuwalipika ng Comelec si Gil dahil "non-existence" umano ang organisasyon niyang "Isang Bansa, Isang Diwa" at hindi naisumite ng regional at municipal director ng komisyon ang ulat na balido ang kanyang kandidatura.
Si Bajunaid naman ay unang nadeklarang nuisance candidate dahil hindi kinilala ng Comelec na may kakayahang kumampanya ang kinaaniban niyang Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan, merong 37 kandidato ang magkatunggali sa senatorial election. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended