'Kami ang hahatol kay Erap' - NPA rebels
April 19, 2001 | 12:00am
Nakatakdang dukutin ng New People’s Army (NPA) si dating Pangulong Joseph Estrada para litisin sa kanilang "people’s court" kapag walang nangyari sa kasong kinakaharap nito sa Sandiganbayan.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Luis Jalandoni, Chairman ng National Democratic Front (NDF) at pinuno ng NDF negotiating panel sa isinasagawang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at makakaliwang grupo.
Ayon kay Jalandoni, kitang-kita sa impeachment trial ang daming ginawang krimen ni Erap sa bayan kaya dapat lamang na ito ay maparusahan.
Sa kasalukuyan ay naghihintay lamang ang NPA kung ano ang kahihinatnan ng mga kaso ni Erap sa Sandiganbayan.
Anumang oras ay kaya umanong arestuhin ng mga NPA si Estrada at ibilanggo sa kanilang guerilla front at lilitisin sa "people’s court".
Inihayag naman ng isa sa mga abugado ni Erap na si Atty.Crispin Remulla sa isang pulong balitaan na wala umanong katotohanan na aarestuhin ang kanyang kliyente ngayong araw na ito na kanyang 64 kaarawan.
Nararapat umanong dumaan sa kaukulang proseso ang pagpapalabas ng warrant of arrest sa kasong plunder at di dapat ito maging shor-cut.
Hiningi naman ni Makati Cong. Joker Arroyo at PPC senatorial candidate na bigyan ng fair at impartial trial sa kasong plunder si Erap upang maipahayag nito ang kanyang panig para malaman naman ng tao ang katotohanan.
Samantala sinabi naman ni National Security Adviser Roilo Golez na hindi umano kaya ni Erap at ng kanyang mga supporters na agawin pang muli ang kasalukuyang pamahalaan.
Ito ang naging reaksyon ni Golez sa pagbabanta umano ng anak nitong si JV Ejercito na sisiklab ang gulo kung sakaling arestuhin at ikulong ang dating Pangulo.
Magkakaroon naman ng problema ang pamahalaan kung saang bahay isasagawa ang panukalang "house arrest" kay Erap kung ipalalabas na ang warrant of arrest.
Ito ba ay sa bahay nila ng dating First Lady Dr. Loi Estrada, o di kaya sa mga mistress nito. (Ulat nina Malou Rongalerios, Lordeth Bonilla, Danilo Garcia, Butch Quejada at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am