Tumaas nang 2,043 porsiyento mula 1983 hanggang 1998 ang matrikula sa mga paaralan sa bansa, ayon kay Las Piñas Rep. Manuel Villar. Lumabas anya sa survey ng AYC Consultants na mas malaki ang itinaas ng matrikula sa mga pribadong paaralan kumpara sa presyo ng mga isda, softdrink, beer at pandesal.
Ang presyo ng pandesal ay tumaas lang nang 900 porsiyento mula noong 1983 hanggang 1998.
"Ang mataas na matrikula ay balakid sa pagkakamit ng edukasyon," sabi pa ni Villar na kabilang sa kandidatong senador ng People Power Coalition.
(Ulat ni Malou Rongalerios)