GMA, nairita sa pagbatikos sa pagkamay kay Manero
April 18, 2001 | 12:00am
Iginiit kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kahit sinong bilanggo at kriminal ay maaari niyang harapin at kamayan. Haharapin din niya at kakamayan ang lider ng Abu Sayyaf na si Abu Sabaya sakaling sumuko ito.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag dahil sa pagbatikos ng ilang sektor sa pakikipagkamay niya sa sumukong puganteng si Norberto Manero Jr. nang iharap ito sa kanya kamakailan sa Zamboanga.
Sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang masama sa kanyang ginawa bukod sa milyong katao na ang nakamayan niya at wala siyang pinipili bilang lider ng bansa. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest