PAOCTF walang kapalit
April 18, 2001 | 12:00am
Umatras ang Malacañang sa paglikha ng isang bagong anti-crime body na ipapalit sa binuwag nang Presidential Anti-Organized Crime Task Force. Nilagdaan kamakalawa ng gabi ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang executive order na bumubuwag sa PAOCTF pero sinabi niya na hindi na kailangan itong palitan ng kahalintulad na grupo.
Sinabi ni Presidential Chief of Staff Renato Corona na gagampanan na ng buong Philippine National Police ang mga dating gawain ng PAOCTF.
Iginiit naman kahapon ni House of Representatives Speaker Feliciano Belmonte Jr. na dapat kasuhan agad ang mga miyembro at opisyal ng PAOCTF na sangkot sa wiretapping, kidnap-for-ransom, salvaging, drug trafficking at iba pang krimen.
Sinabi ni Belmonte na tamang hakbang ang pagbuwag sa PAOCTF pero hindi ito sapat para mabigyan ng hustisya ang mga nabiktima ng mga abusadong kasapi ng naturang ahensya. (Ulat nina Lilia Tolentino at Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended