Berroya, hinirang bilang hepe ng PNP intel
April 18, 2001 | 12:00am
Pormal nang nanungkulan kahapon si Senior Superintendent Reynaldo Berroya bilang director ng Intelligence Group ng Philippine National Police makaraang malagay nang matagal sa floating status.
Apat na beses na siyang napatalsik sa serbisyo pero suwerte namang muli siyang nakabalik.
Isa siya sa mistah ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza sa Philippine Military Academy Class 1969.
Tinuligsa naman ni dating PNP Chief at ngayoy senatorial candidate Panfilo Lacson si Pangulong Gloria Mapacagal-Arroyo sa paghirang kay Berroya.
Ipinahiwatig ni Lacson na magiging katawa-tawa ang buong kapulisan sa paghirang kay Berroya bilang intelligence chief dahil isa itong dating sentensyado kaugnay ng isang kasong kidnapping. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest