Umaabot sa P80 milyon ang naipalabas ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang tatlong buwang panunungkulan bilang tulong sa mga OFWs.
Sinabi ni Presidential Management Staff Chief Vicky Garchitorena na napunta ang naturang halaga sa Legal Assistance Fund para sa mga OFWs at kanilang pamilya na merong legal problem. Magagamit anya ang pondo para sa abogado at piyansa na posibleng kailanganin ng sinumang OFWs. (Ulat ni Ely Saludar)