600 porter masisibak

Humigit-kumulang na 600 porter ng Saber Development Foundation sa Ninoy Aquino International Airport ang pinangangambahang mawalan ng trabaho dahil sa pagpapatigil ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pangongolekta ng pushcart fee sa mga dumarating na pasahero mula sa ibayong-dagat.

Takdang makipagdayalogo ang naturang mga empleyado kay NAIA Manager Edgar Manda kaugnay ng kanilang problema. (Ulat ni Butch Quejada)

Show comments