Singil sa pushcart sa NAIA ipinatigil ni GMA

Inatasan kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Ninoy Aquino International Airport General Manager Edgar Manda na huwag nang maningil sa mga pushcart na ginagamit sa NAIA ng mga pasahero rito.

Ang singil sa bawat pushcart sa NAIA ay $1 o P40.

Sinabi ng Pangulo na ang paliparan ang una at huling lugar na dinaraanan ng mga turista at manlalakbay sa bansa kaya dapat na hindi pinahihirapan ang mga ito sa pagbabayad sa paggamit ng pushcart. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments