NDF, handang magdeklara ng nationwide ceasefire
April 10, 2001 | 12:00am
Nakahanda ang pamunuan ng National Democratic Front (NDF) na magdeklara ng nationwide ceasefire kung ito ang mapagkakasunduan sa pagpapatuloy ng naudlot na peace talks sa darating na Abril 27 ng taong ito.
Ito ang nabatid kahapon kay NDF Chief negotiator Luis Jalandoni matapos dumating sa bansa kasama sina NDF Adviser Antonio Zumel gayundin ang kanilang mga asawa.
Ang grupo ni Jalandoni ay dumating sa bansa kamakalawa para dumalo sa solidarity meeting sa pagitan ng NDF leaders at ng mga kinatawan ng GRP peace panel sa pamumuno ni dating Justice Secretary Silvestre Bello III na gaganapin sa Abril 18.
Matapos ang informal conference ay muling babalik si Jalandoni at mga kasama sa Netherlands para iulat kay CPP-NPA-NDF Founding Chairman Jose Maria Sison ang napipintong paghaharap sa negotiating table. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest