Civil war di sisiklab dahil kay Erap
April 10, 2001 | 12:00am
Hindi naniniwala si People Power Coalition senatorial bet Makati Cong. Joker Arroyo na magkakaroon ng civil war sakaling ikulong ang dating Pangulong Estrada dahil sa mga kasalanan nito sa taumbayan.
Ayon kay Arroyo na kalokohan na mangyari ang civil war dahil imposible na magkaroon pa ng suporta si Erap dahil alam ng taumbayan ang mga ginawa nitong kasalanan kaya ito ay napatalsik.
Maging ang dating Unang Ginang Loi Estrada ay tiyak na magdadalawang isip na magbigay ng suporta sakaling mangyari ang pag-aresto sa kanyang asawa. Samantala, nakahanda ang Armed Forces of the Philippines na tumulong sa Philippine National Police sa pag-aresto sa dating Pangulo sakaling magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan.
Ayon kay PNP Spokesman Rodrigo de Gracia na inihatag na ni PNP Directorate for Operation P/Director Edgardo Aglipay ang "contigency plan" para sa pagdakip kay Erap na hindi naman nito idenetalye kung paano nila ito gagawin. (Ulat ni Malou Rongalerios at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended