Meeting kay Zamora inamin ni GMA

Inamin kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nakipagpulong siya sa kapatid ni dating Executive Secretary Ronaldo Zamora na si Manny para makumbinsi noon si dating Pangulong Joseph Estrada na magbitiw sa puwesto.

Pero idiniin ni Arroyo na nakipagpulong siya kay Manny Zamora noong panahong wala pang lumalabas na ebidensya sa kasong plunder laban kay Estrada.

Kinausap niya si Zamora para mabawasan ang epekto ng krisis pulitikal sa pananatili pa ni Estrada sa puwesto at hindi madamay sa krisis ang ekonomiya.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na wala siyang inialok na pag-uurong ng mga kaso laban kay Estrada at naganap ang pag-uusap dahil sa imbitasyon ni Zamora. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments