Cold war pinangambahan
Pinangangambahang mauwi sa cold war ang patuloy na pagtanggi ng United States na humingi ng paumanhin sa China kaugnay ng banggaan kamakailan ng mga eroplanong militar ng dalawang bansa. Ito ang inihayag kahapon ni Foreign Affairs Undersecretary Lauro Baja Jr. na nagsabing maaaring mauwi sa pagmamatigasan at panibagong cold war na ayaw ng mga bansa sa Asya ang iringan ng U.S. at ng China hinggil sa pagbabanggaan ng isang Chinese fighter jet at ng isang surveillance plane ng mga Amerkano. Dahil dito, ayon kay Baja, nais ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na malutas sa lalong madaling-panahon ang naturang problema. (Ulat ni Rose Tamayo)