^

Bansa

2 Chinese drug trader hinatulang mabitay

-
Dalawang Chinese national ang magkahiwalay na nahatulan kahapon ng parusang bitay sa mga regional trial court ng Parañaque at Maynila dahil sa pagbebenta ng bawal na gamot.

Sa Parañaque RTC, hinatulan ni Judge Raul de Leon ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection ang Intsik na si Li Kam Kim dahil sa pagbebenta ng halos isang kilong shabu sa isang undercover na pulis may dalawang taon na ang nakakaraan.

Pinagmulta rin ng korte si Li ng P2,000,000.

Nabatid na may 994.77 gramo ng shabu na halagang P400,000 ang nakumpiska kay Li makaraang madakip siya ng mga ahente ng Regional Intelligence and Investigation Division ng Police Regional Office-4 sa isang entrapment operation sa Parañaque noong Setyembre 19, 1999.

Nagbebenta umano si Li ng bawal na gamot sa Laguna, Cavite at katimugang bahagi ng Metro Manila.

Natuklasan din ng korte na iligal ang pagpasok at pananatili ni Li sa Pilipinas bagaman nagpapakilala ito bilang isang turista.

Samantala, napatunayan din ng Manila Regional Trial Court na nagkasala ng drug trafficking ang Chinese national na si Willy Yang alyas Alex Yu at Yang Yunghi at residente ng Karuhatan, Valenzuela City.

Nadakip din ng mga ahente ng pulisya at ng National Bureau of Investigation si Yang sa isang buy-bust operation sa T.M. Kalaw, Manila.

Nakuha kay Yang ang 4.480 kilogram na shabu na nagkakahalaga ng P3.6 milyon.

Inatasan din ni Judge Perfecto A.S. Laguio si Yang na magmulta ng P30,000. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Andi Garcia)

vuukle comment

ALEX YU

ANDI GARCIA

DALAWANG CHINESE

JUDGE PERFECTO A

JUDGE RAUL

LI KAM KIM

LORDETH BONILLA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with