GMA, nabibiktima ng bastos na text message
April 5, 2001 | 12:00am
Napikon ang Malacañang sa mga kalokohan at bastos na text messages na tinanggap ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo mula sa mga iresponsableng texter.
Nagbabala ang Malacañang na papatawan ng parusa ang naturang mga texter. Meron na umanong paraan ang National Telecommunication Commission para matukoy kung sino-sino ang nagpapadala ng mga kalokohang text messages.
Ipinalabas ng Malacañang ang babala kasunod ng resulta ng pagsisimula ng TEXT GMA project ng pamahalaan na naglalayong kunin at alamin ang ibat ibang problema ng mamamayan sa pamamagitan ng mensahe sa text sa cellular phone.
Inilunsad ang proyekto para hindi mahirapang pumila sa Presidential Action Center ang mga nais humingi ng tulong dito at maaksyunan ang problema ng mga ito.
Sinabi ni PAC Chief Atty. Bobby Dumlao na, sa unang araw ng pagpapatupad ng TEXT GMA project, maraming kalokohan at kalaswaang text messages ang kanilang tinanggap.
Dahil dito, ayon kay Dumlao, inilista ng Malacañang ang mga numero ng cellular phone ng nagpadala ng naturang mga mensahe para maipaimbestiga ito sa NTC at magawan ng kaukulang hakbang.
Nabatid na nasira ang equipment na ginagamit sa proyekto dahil nakatanggap ito ng 3,500 text message mula kamakalawa.
Nabatid na ilan sa mga mensahe ay bumabati sa kaarawan ng Pangulo at meron ding mga tumutuligsa rito. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest