Sinabi ni Villar na isang pagkakataon ang tigil-putukan para magunita ng taumbayan ang Semana Santa sa mapayapang paraan.
"Ako ay nananawagan sa pamahalaan na magdeklara ng tigil-putukan sa lahat ng bahagi ng bansa na may kaguluhan," sabi pa ni Villar.
Sa kaugnay na ulat, nagpahayag ng kumpiyansa si Senador Loren Legarda na matutuloy ang pagpapalaya ng NPA sa matagal na nitong bihag na si Army Major Noel Buan sa kabila ng sumasagkang mga iringan.
"Kung magiging paborable ang kundisyon, maaaring makalaya si Buan pagkatapos ng Abril 3 o bago sumapit ang Abril 8," sabi ni Legarda. (Ulat ni Malou Rongalerios)