Assistance center itatayo para sa commuters

Itatatag ng magkasanib na puwersa ng Philippine National Police, Department of Interior and Local Government at ng Department of Transportation and Communications ang mga public assistance center na naglalayong pangalagaan ang seguridad ng mga motorista at pasahero sa panahon ng Semana Santa.

Itatayo ang mga sentrong ito sa mga lugar na madalas pangyarihan ng sakuna sa mga national highway, mga lugar na pinangyayarihan ng krimen, ma-traffic na lugar, terminal ng bus, airport at pier. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments