Ayuda sa fire victims ipinag-utos ni GMA sa DSWD
April 1, 2001 | 12:00am
Inatasan kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Department of Social Welfare and Development na pagkalooban ng lahat ng kinakailangang tulong ang mga biktima ng sunog sa Pinyahan, Quezon City noong Huwebes ng gabi.
Ginawa ng Pangulo ang utos nang bisitahin niya ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa East Triangle, NIA Road, sa naturang barangay.
Namahagi ang Pangulo ng tulong na mga pagkain, damit at iba pang pangangailangan ng mga biktima na kasalukuyang naninirahan sa tabi ng kalsada kasama ang ilang ari-ariang naisalba nila sa sunog.
Hindi kukulangin sa 1,057 pamilya ang naapektuhan ng sunog na lumamon at nagpaabo sa 500 bahay.
Sa kanyang pagbisita sa naturang lugar, natuwa ang Pangulo sa isang walong buwang gulang na bata habang hawak ito ng ama na si Chris Hermida, 31.
"Ang cute, cute ng batang ito," sambit ng Pangulo. Sinabi ni Hermida na wala pang pangalan ang kanyang anak na nakatakda sanang binyagan kahapon pero hindi nga natuloy dahil sa sunog. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest