^

Bansa

'Utak sa Dacer tukoy na' - NBI

-
Tukoy na umano ng National Bureau of Investigation ang utak sa pagkidnap at pagpatay sa public relations man na si Salvador "Bubby" Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito.

Ito ang nabatid kahapon sa ilang impormante sa NBI bagaman hindi sila nagbanggit ng pangalan dahil baka mabulabog ang tinutugis nilang tao.

Nauna rito, inatasan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang NBI noong Huwebes na tugisin na ang utak sa krimen makaraang matagpuan ang mga sunog na labi ng mga biktima at madakip ang dalawa sa mga suspek.

Inaasahang, kasunod ng pagsasampa ng kasong double murder at kidnaping laban sa mga nadakip na sina Jimmy Lopez at Alex Diloy, tututukan na ng NBI ang pagtukoy at pagdakip sa utak ng krimen alinsunod sa utos ng Pangulo.

Kasabay nito, nabatid kay NBI-National Capital Region Director Samuel Ong na ilang pulitiko na posible umanong sangkot sa krimen ang kasalukuyang sinusubaybayan ng mga ahente ng ahensya.

Gayunman, tumanggi si Ong na magbanggit ng pangalan ng sinuman sa mga pulitiko na kanilang sinusubaybayan.

Isinagawa ng NBI ang naturang hakbang kasunod ng pagkakadakip kina Lopez at Diloy na nagturo sa lugar na pinagsunugan at pinaglibingan sa bangkay nina Dacer at Corbito sa Cavite.

Gayunman, isinailalim na kahapon sa witness protection program ng Department of Justice sina Lopez at Diloy.

Isinagawa ng DOJ ang naturang hakbang para mabigyan ng seguridad sina Lopez at Diloy na gagamitin ding testigo laban sa 10 tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force na sangkot din sa krimen.

Hiniling din ni NBI Director Reynaldo Wycoco sa DOJ na isama sa hold-order list ang naturang mga tauhan ng PAOCTF para hindi sila makalabas ng bansa.

Nagbabala naman si PAOCTF Chief Director Hermogenes Ebdane na iuutos niya ang manhunt operation laban sa mga pulis na sangkot sa naturang krimen kung hindi lalantad ang mga ito.

Gayunman, sinabi ni Ebdane na tiniyak sa kanya ni PAOCTF-Visayas Chief Sr. Supt. Teofilo Vina na ito at ang mga tauhan nito ay handang humarap sa mga awtoridad kapag ipinalabas ang arrest warrant laban sa kanila.

Sa naunang bahagi ng imbestigasyon ng NBI sa krimen, lumitaw ang pangalan ng isang kilalang pulitiko sa Cavite dahil isa sa mga dati nitong tauhan ay naging tauhan ng PAOCTF at kasama sa mga isinangkot sa pagkawala ni Dacer. (Ulat nina Grace Amargo at Joy Cantos)

ALEX DILOY

CAVITE

CHIEF DIRECTOR HERMOGENES EBDANE

DACER

DEPARTMENT OF JUSTICE

DILOY

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

GAYUNMAN

LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with