Sinabi kahapon ni Justice Secretary Hernando Perez na maaaring mabuksan ang naturang kaso laban kay dating Philippine National Police Chief Panfilo Lacson at 26 pang pulis dahil hindi naman nabasahan ng sakdal ang ilan sa mga ito.
Sinabi ni Perez na ipinakuha na niya ang kaukulang papeles at kokontakin muli nila ang mga dating testigo at iba pang nais tumestigo. (Ulat ni Grace Amargo)