GMA planong likidahin sa Mindanao
March 30, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY- Hinigpitan na ang seguridad ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagbisita niya ngayong Marso 30 sa Pagadian City at Zamboanga del Sur dahil sa umanoy mga bantang pagpatay sa kanya, ayon sa mga opisyal ng militar dito.
Hindi kinukumpirma o pinabubulaanan ni Armed Forces Southern Command Chief Lt. Gen. Gregorio Camiling ang mga ulat pero inatasan niya ang puwersa ng militar na maging alerto.
Sinabi ni Camiling na ang mahigpit na seguridad ang magsasawata sa mga planong saktan ang Pangulo.
Nagtayo na rin ang militar ng mga checkpoint sa mga national highway at ruta na patungo sa Pagadian City.
Dahil sa pagkalat ng ulat sa planong pagpatay sa Pangulo, kumilos ang mga intelligence agencies ng pamahalaan para beripikahin ito bagaman hindi mabatid kung saan ito galing. (Ulat ni Roel Pareno)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest