^

Bansa

Panukalang pagpalit sa pangalan ng BIR binara ni Belmonte

-
Tinanggihan kahapon ni House of Representatives Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang panukalang itatag ng Kongreso ang Philippine Internal Revenue Authority (PIRA) bilang kapalit ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sinabi ni Belmonte na mga mahuhusay na tax collector ang kailangan para mapalaki ang koleksyon ng pamahalaan sa buwis at hindi ang pagpapalit ng pangalan ng ahensyang nangongolekta ng buwis.

Ipinaliwanag ni Belmonte na, kahit palitan ang pangalan ng BIR na tulad ng mungkahi ni BIR Commissioner Rene Banez, wala itong silbi kung tamad at hindi tapat ang mga tax collector.

Patuloy anyang mahaharap ang pamahalaan sa malaking kakulangan sa budget hangga’t hindi nakakakolekta ng tamang buwis ang BIR na dapat pumasok sa kaban ng bayan.

Sinabi naman ni Las Piñas Rep. Manuel Villar na, kung hindi babaguhin ang sistema ng koleksyon sa buwis, hindi pa rin tataas ang revenue collection ng bansa kahit na palitan pa ang pangalan ng BIR.

"Kahit na BIR pa yan o PIRA, kung hindi naman nila ginagawa nang maayos ang kanilang trabaho, hindi pa rin liliit ang budget deficit ng bansa," sabi pa ni Villar. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BELMONTE

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER RENE BANEZ

HOUSE OF REPRESENTATIVES SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

LAS PI

MANUEL VILLAR

MARILOU RONGALERIOS

PHILIPPINE INTERNAL REVENUE AUTHORITY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with