Iniharap ng FLAG sa mga mamamahayag sina Senior Inspectors Ysmael Yu at Superintendent Francisco Zubia sa harap nina Lacson at C/Supt. Romeo Acop na dalhin sa flyover ng Commonwealth Avenue sa Quezon City at doon patayin ang walong miyembro ng KB na kanilang naunang hinuli sa Superville Subdivision, Parañaque.grupo sa naturang subdivision noong gabi ng Mayo 17, 1995. Si Ramos
Si Yu umano ang team leader nang salakayin ng pulisya ang safehouse ng naman na nakatalaga sa Traffic Management Group ang nagdala sa mga suspek sa Camp Crame.
Sinabi nina Atty. Arno Sanidad at Atty. Theodore Te ng FLAG na wala silang personalidad para isampa ang kaso kaya inirekomenda nila kay Perez ang muling pagbuhay sa naturang kaso na naunang nadismis dahil sa pag-atras ng ilang testigo.
Sa isa namang hiwalay na pahayag, sinabi ni Lacson na recycled witness lang si Yu dahil ito rin ang iniharap noon ni dating PNP Chief Roberto Lastimoso nang naisin nitong buhayin ang naturang kaso.
Sinabi ni Lacson na hindi na bago ang naturang isyu dahil nais lang sirain ang kanyang pangangampanya sa pagka-senador. (Ulat ni Rudy Andal)