Roco, dismayado sa text grammar
March 26, 2001 | 12:00am
Nadidismaya si Department of Education, Culture and Sports Secretary Raul Roco sa epekto sa pag-aaral ng mga estudyante ng text messaging sa cellular phone dahil nakakabobo rin umano ito.
Sinabi ni Roco sa isang panayam na hindi niya gusto ang epekto ng "shortcut" na mga salita na ginagamit sa text messages.
Sinabi ni Roco na, bagaman wala pang opisyal na pag-aaral ang DECS sa naturang usapin, maaaring maging dahilan ng pagbagsak ng isang estudyante sa mga simpleng araling tulad ng spelling at grammar sa English subject ang istilo ng mga salitang ginagamit sa text. "Dahil sa pagmamadali at pagkakasya sa espesyo ng mensahe, ang for ay ginagawa na lang 4 para makatipid. Maaaring masanay dito ang mga mag-aaral lalo na sa grammar at mahirapan sila sa English," sabi pa ng kalihim.
Dahil hindi niya mapipigil ang mga estudyante sa paggamit ng cellphone, sinabi ni Roco na mahigpit na lang niyang patututukan sa mga guro ang pagsasanay sa mga mag-aaral sa spelling at grammar para hindi masanay ang mga ito sa mga pinaiiksing salita sa text messaging. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended