Sa pakikipagpulong kay PCGG Commissioner at officer-in-charge Jorge Sarmiento, nabatid ng Pangulo na sinisiyasat na ng ahensya ang napaulat na $13.2 bilyong account ni Irene Marcos Araneta sa banko ng Switzerland na tinangka umanong ilipat sa isang bangko sa Germany.
Mula noong 1986, nabawi ng PCGG ang kabuuang P79 bilyong cash at escrow account at naipagkaloob sa Department of Agrarian Reform ang 3,652 ektaryang lupain ng mga Marcos at cronies ng mga ito. (Ulat ni Lilia Tolentino)