4 sanggol namamatay bawat araw
March 22, 2001 | 12:00am
Apat na sanggol araw-araw ang hindi na umaabot sa gulang na isang taon ang namamatay samantalang 2,920 naman ng mga Filipino ang nagkakasakit ng diarrhea dahil sa kakulangan ng sapat na pagkukunan ng malinis na tubig.
Ito ang sinabi ni Isabela Rep. Heherson Alvarez, chairman ng Organizing Committee ng Global Legislators Organization for a Balanced Environment sa nakuha nitong report mula sa United Nations Environment Program at ng Department of Health.
Umaabot sa 1,555 na sanggol ang namamatay sa Pilipinas at 1,065,810 namang iba pang Filipino ang nagkakasakit ng diarrhea.
Samantala 2.2 milyon naman sa buong mundo ang namamatay mula sa 4 bilyong naiulat na nagkasakit ng diarrhea. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest