Ang direktiba ay pinalabas ng Malacañang kasabay ng paghahayag na tinanggap na ng Pangulong Arroyo ang pagbibitiw ni MTRCB Chairman Nicanor Tiongson.
Ang kontrobersiya ng MTRCB ay naganap matapos magreklamo ang ilang grupo ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa pagpapalabas ng pelikula na isang uri ng pornograpiya.
Samantala pinabulaanan ng Malacañang na may pressure mula sa simbahan at iba pang grupo ng kababaihan ang ginawang pagsibak kay Tiongson. (Ulat nina Lilia Tolentino at Ely Saludar)