^

Bansa

P1.3-M blood money sa OFW na bibitayin

-
Maaaring makaligtas sa parusang bitay o pugot ang overseas Filipino worker na si Rommel Angeles na nakapatay sa kaibigan niyang Bombay na si Amiz Azni sa Muscat, Oman noong Abril 1999 kung magbabayad ng P1.3 milyong blood money ang kanyang pamilya o ang pamahalaan ng Pilipinas para mapatawad siya ng biyuda ni Azni na si Abida.

Nabatid kahapon sa Department of Foreign Affair na hiniling dito noong nakaraang linggo ni Azni na bayaran siya ng naturang halaga ng pamilya ni Angeles at ng pamahalaang Pilipino.

Sinabi ni Atty. Raul Dado ng Office of Legal Assistance for Migrant Affairs na sisikapin nilang tugunan ang kahilingan ni Gng. Azni para makaligtas sa kamatayan si Angeles.

Sinabi pa ni Dado na baka hikatayin nila ang Philippine Amusement and Gaming Corporation at ibang ahensya ng pamahalaan na tumulong sa paglikom ng naturang halaga. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ABIDA

AMIZ AZNI

AZNI

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIR

MIGRANT AFFAIRS

OFFICE OF LEGAL ASSISTANCE

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

RAUL DADO

ROMMEL ANGELES

ROSE TAMAYO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with