9 seamen ng lumubog na barko dumating na!

Siyam na mangingisdang pinoy na crew members ng lumubog na MV Pahe-6 Fishing vessel sa karagatan ng Indonesia noong Marso 6 ang dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang siyam na mandaragat ay kinilala ni Maximo So, Senior Intelligence Officer ng BI sa NAIA na sina Rodrigo Lucio, Rogelio Ruta, Arnold Mansanes, Ray Laurino, Fernando de Guzman, Rommel Balambot, Eddie Jadraque, Rodgin Hubahib at Eduardo Samano.

Sila’y dumating sakay ng magkakahiwalay na flight ng Cathay Pacific Airways buhat sa bansang Indonesia via Hong Kong.

Batay sa kanilang salaysay kina Pedro Labingdalawa Jr., BI investigator, Rose Perez at Jonathan Orrosco ng Monitoring and Enforcement Unit, ang siyam ay nangingisda sa laot ng Sulu Sea nang sila’y makaenkuwentro ng malakas na hangin na may kasamang malalaking alon na naging sahi ng kanilang pagkakapadpad sa karagatan ng Indonesia. (Ulat ni Butch Quejada)

Show comments