100 Yakuza members inilagay sa blacklist
March 19, 2001 | 12:00am
Humigit kumulang sa 100 miyembro ng kilabot na grupong Japanese Mafia ang ngayon ang inilagay sa blacklist ng mga awtoridad ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (BI-NAIA) at hindi pahihintulutang makapasok ng bansa.
Ang mga Yakuza na tinuturing na isang gangster group sa kanilang bansa ay nagtutungo sa Pilipinas para mangalap ng magagandang Pilipina sa pamamagitan ng mga local promotion na kanilang kontak ay palalabasin nila itong mga dancers at singers bilang entertainers doon.
Subalit pag nasa Japan na ang mga Pilipinang entertainers ay sapilitan na umanong gagawing prostitute ng mga among Yakuza sanhi ng pangangailangan ng salapi ng kanilang pamilya at kanilang sarili.
Sanhi ng mga reklamo na nakakarating kay BI Commissioner Andrea Domingo ay kanyang ipinag-utos sa kanyang mga tauhan sa NAIA na maging alerto ang mga ito sa Yakuza na pumapasok sa Pilipinas.
Kaugnay nito, nagbunga ang pagbabantay ng mga ahente ng BI-NAIA nang masakote ang pitong Yakuza gang leader na hinihinalang mga recruiters ng mga magagandang Pilipina entertainers na dadalhin sa Japan.
Kinilala ni Tom Natividad, BI-NAIA Special Asst. to the Commissioner, ang mga nasakoteng Yakuza leaders na sina Kanda Kasuhiro, Kiichi Kobayashi, Hideo Yamada, Nobuhiko Hayashi, Hiruyoki Miyasaka, Keita Tanaka at Keiju Dobashi. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest