Debateng hamon ng PnM, inismol nina Arroyo at Chato

"Hindi namin iyan papatulan.They’re not worth answering!"

Ito ang naging sagot nina senatorial bet Joker Arroyo at Liwayway Vinzon Chato ng People Power Coalition sa hamon ng debate ng Puwersa ng Masa(PnM) upang mapag-usapan ang umano’y plata porma de gobyerno ng dalawang partido.

Ayon kay Arroyo "There are not worth answering", hindi nila papatulan ang hamon dahil ito ay walang katuturan at pag-aaksaya lamang ng panahon at kung plata porma de gobyerno lamang ang pag-uusapan bakit kailangan pa ang debate.

"Halata lamang na naghahanap lamang ng publisidad ang oposisyon para sila ay pag-usapan, ang maganda ay ilapit na lamang natin sa taong bayan at ipaliwanag sa kanila ang ating plata porma" ani Arroyo.
Samantala sinabi naman ni Chato na isa lamang ang isyu na dapat sagutin ng oposisyon. Ito ay kung sino ba ang mga kasama sa katiwalian at sino ba ang nasa tama.

Matatandaan na magkasunod na hinamon nina PnM senatorial candidates Dong Puno at Eduardo Angara ng debate ang PPC. (Ulat ni Malou Rongalerios)

Show comments