Sa panayam ng ABS-CBN sa pitong PAOCTF na nakilalalang sina Inspectors Wilson Perdido, Dionisio Bonoy,SPO4 Willy Nuas, SPO2 Goercito Cagnayo, SPO1 Adelaido Celarco, PO3 Roco Matic at Edmund Gacuti,pinabulaanan ng mga ito na nagkaroon sila ng partisipasyon sa pagdukot sa kilalang PR Man at sa driver nitong si Emmanuel Corbito noong nakalipas na Nobyembre 24. Ayon naman sa testigo na kabilang ang isang SPO3 Marino Soberano na kasama ng pito na sumalakay sa isang bahay sa Sun Valley Subdivision malapit sa bahay ni Dacer at ito rin umano ay itinuturong nakitang dumukot kina Dacer at Corbito.
Nanawagan ang pitong PAOCTF na maghinay-hinay ang NBI sa pagbibigay ng mga pahayag sa media na nagiging dahilan para umano sila madiin sa nasabing pagkawala ni Dacer.
Ayon naman kay NBI Director Reynaldo Wycoco na malakas ang kanilang paniwala na may kinalaman si Soberano sa nasabing kaso dahil sa pagdidiin ng kanilang saksi. (Ulat ni Ellen Fernando)