Kabilang sa nagsampa ng bagong kasong plunder ang Concerned Lawyers for Erap’s Abrupt Resignation, Caucus of Lawyers for Moral and Effective Leadership at United Solicitors for Truth and Estrada’s Resignation na humiling sa Ombudsman na magsagawa ng preliminary investigation at sampahan agad si Estrada ng kasong kriminal sa Sandiganbayan.
Sinabi ni CLEAR Spokesperson Leonard de Vera na sapat na ang nilalaman ng "Jose Velarde account" na kabilang sa kontrobersyal na pangalawang envelop para patunayan na sinamantala ni Estrada ang ekonomiya ng bansa.
Sinabi sa reklamo na piso lang ang laman ng Jose Velarde account nang buksan ito noong Agosto 26, 1999.
Pagkaraan ng isang araw, nagkaroon na ito ng P81 milyong deposito at, pagkaraan pa ng 15 buwan, lumobo ito sa P3.3 bilyon. (Ulat ni Grace Amargo)