Inihayag ito kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang talumpati kahapon sa ginanap na Employment Summit sa Heroes Hall ng Malacañang.
Ang nakatakda na sanang 5% across-the-board na taas sa sahod ng tinatayang 1.2 milyong kawani ng gobyerno ay dapat sanang nagkabisa nitong Enero 2001 kung napagtibay ng Kongreso ang panukalang pambansang badyet para sa 2001.
Dahil sa pagkabigo ng Kongreso na mapagtibay ang 2001 General Appropriations Act dahil sa pagkagahol sa panahon sanhi ng pagpapalit ng administrasyon ang operasyon ng pamahalaan ay nakabase sa pondong pinagtibay ng Kongreso para sa taong 2000. (Ulat ni Lilia Tolentino)