NDF, nagdeklara ng ceasefire
March 16, 2001 | 12:00am
Nagdeklara kahapon ng ceasefire ang National Democratic Front na, ibig sabihin, hindi muna makikipagsagupa sa mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines ang mga rebeldeng miyembro ng New Peoples Army ng Com munist Party of the Philippines.
Magkakabisa ang ceasefire mula Marso 17 hanggang Abril 11 para mabigyang-daan ang pagpapalaya kay Major Noel Buan na bihag ng NPA, ayon sa punong negosyador ng NDF na si Luis Jalandoni mula sa isang pahayag mula sa kanyang base sa The Netherlands.
Naunang ipinahinto ng pamahalaan ang opensiba ng militar laban sa NPA sa katimugang Tagalog para sa negosasyon sa pagpapalaya kay Buan.
Kaugnay ng isinusulong na usapang pakikipagkapaya- paan sa NDF, sinabi kahapon ni Vice President at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona Jr. na iniuurong na ng pamahalaang Pilipino ang kahilingan nito sa Dutch government na patalsikin sa The Netherlands si CPP founding chairman Jose Maria Sison at pabalikin ito sa Pilipinas. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest