Testigo sa Feliciano rape/slay hawak na ng NBI
March 16, 2001 | 12:00am
Hawak na ng National Bureau of Investigation ang isang testigo na makakapagturo sa apat na lalaking gumahasa at pumatay kay La Salle graduate Claudine Mabelle Feliciano noong Sabado ng gabi sa Parañaque City.
Pinuna rin ng mga impormante sa NBI na mahina ang pagkilos ng Southern Police District sa kabila ng intelligence report na pagala-gala lang sa Parañaque City ang mga suspek na hinihinalang kabilang sa mayayamang angkan.
Sa cartographic sketch ng isa sa mga suspek na ipinalabas ng SPD, lumitaw na kahawig ito ng isa sa mga suspek sa panggagahasa sa isang estudyante ng St. Paul College sa Mandaluyong City kamakailan.
Lumitaw din sa ginawang awtopsiya sa bangkay ni Feliciano na birhen pa siya nang unang "makuha" ng mga suspek.
Hininalang pinahirapan muna ng mga suspek na sabog sa bawal na gamot si Feliciano dahil sa maraming pasa sa kanyang katawan at pagkakasakal.
Hubot hubad ang bangkay ni Feliciano nang matagpuan ito sa isang creek sa San Antonio Valley sa Parañaque City noong Linggo ng umaga.
Pinaniniwalaan ng Parañaque Police na isang sex gang na gumagala sa kati mugang bahagi ng Metro Manila ang mga suspek.
Ikinalat ng Parañaque Police sa ilang lugar sa Metro Manila ang mga miyembro ng binuo nitong task force para tugisin ang mga salarin.
Bago naganap ang krimen, nagpaalam noong Sabado ng gabi si Feliciano sa kanyang mga kaanak lulan ng kotse niyang itim na Mazda para makipagkita sa isang kaibigan sa Alabang, Muntinlupa City.
Inihatid kinalaunan ni Feliciano ang naturang kaibigan sa bahay nito sa Ayala-Alabang. Kasunod nito, hinarang siya ng mga suspek at dinala sa isang hindi malamang lugar. Inabandona rin ng mga suspek ang kanyang sasakyan sa Magallanes Village, Makati City.
Pinamamadali rin ng Malacañang sa NBI ang paglutas sa naturang kaso.
Sinabi ni Justice Secretary Hernando Perez sa isang panayam kahapon na inatasan niya si NBI Director Reynaldo Wycoco na mabilis na siyasatin ang naturang kaso.
Inamin ni Perez na nakakabahala sa mga magulang ang naturang pangyayari kaya dapat agad malutas ng mga awtoridad ang krimen.
Sinabi ng Commission on Human Rights na iimbestigahan din nila ang naturang kaso dahil sa umanoy kahinaan ng pulisya na kagyat na mabigyan ng hustisya ang biktima.
Noong gabi ng Sabado, Marso 10, inihatid pa ni Feliciano ang kaibigang si Myrna Dacanay sa bahay ng huli bago naganap ang krimen.
Hinarang umano ng apat na suspek ang sasakyan ni Feliciano, kinumander ang kanyang sasakyan bago dinala ang biktima sa hindi malamang lugar. (Ulat nina Ellen Fernando, Lordeth Bonilla, Ely Saludar at Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended