^

Bansa

Police official, 9 pa hinatulan ng bitay

-
Isang nadismis na opisyal ng pulisya at 9 niyang tauhan ang hinatulan kahapon ng Quezon City Regional Trial Court ng parusang kamatayan matapos mapatunayang nagkasala sa kasong graft and corruption at qualified bri bery.

Agad na dinala ang mga akusado sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa matapos ibaba ni QCRTC Judge Diosdado Peralta ang hatol sa kanila.

Kinilala ni Peralta sa kanyang 15 pahinang desisyon ang mga nasen tensyahang mabitay na sina Supt. Francisco Ovilla, dating commander ng station 9 ng Central Police District; mga tauhan nitong sina Senior Inspector Edwin Misador, SPO4 Florendo Lucila, SPO3 Benjamin Fonacier, SPO2 Teodorico Lado, SPO1 Ronnie Rodaje, SPO1 Orencio Jurado, PO3 Orlin Comia, PO3 Manuel Malong, at PO2 Ladislao Rebancos.

Sinabi rin ng korte na hindi na kailangang magbaba ng hatol sa isa pang akusado na si Supt. Loreto dela Cruz dahil inatake sa puso at namatay ito nang hulihin at ikulong ito at ang ibang nasasakdal. Nauna na umanong nadismis ang kaso laban kay dela Cruz.

Pinawalang-sala naman ng korte ang akusadong si SPO1 Eusebio N. Zembano Jr. dahil nabigo ang taga-usig na patunayan na meron siyang pagkakasala.

Sinasabi sa rekord ng korte na, noong Agosto 1999, inaresto ng mga aku sadong pulis sa isang buy-bust operation ang dalawang umano’y drug trafficker na sina Robert Koo at Jimmy Tan ng Hong Kong triad

Pero agad pinalaya kinalaunan nina Ovilla sina Koo at Tan makaraang kikilan nila ang mga ito ng P650,000.

Binigyang-halaga ng korte ang testimonya nina PO3 Willie Gonzales at PO3 Reynato Resurrecion na nagbunyag sa katiwalian ng mga akusado. (Ulat ni Angie Dela Cruz at Rudy Andal)

ANGIE DELA CRUZ

BENJAMIN FONACIER

CENTRAL POLICE DISTRICT

CRUZ

EUSEBIO N

FLORENDO LUCILA

FRANCISCO OVILLA

HONG KONG

JIMMY TAN

JUDGE DIOSDADO PERALTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with