Ito ang inihayag kahapon ni Acting PNP Chief Deputy Director General Leandro Mendoza bilang tugon sa pahayag kamakalawa ni Estrada na handa itong magpaaresto sakaling makasuhan sa Sandiganbayan bagaman umaapela ang pinatalsik na Pangulo sa Supreme Court para ikonsidera ang desisyon nito na tumatanggi sa kanyang immunity sa demanda.
Gayunman, sinabi ni Mendoza sa isang forum sa Ciudad Fernandina sa Greenhills, San Juan na dadakpin lang nila si Estrada kung may utos na sa PNP ang Sandiganbayan. Nakaalerto rin ang pulisya sa posibleng pang gugulo ng mga tagasuporta ng dating Pangulo sakaling magpalabas na ng arrest warrant ang korte.
Idiniin ni Mendoza na nakahanda na sila sa posibleng mangyaring kagulu han sa pagdakip nila kay Estrada.(Ulat ni Joy Cantos)