^

Bansa

PNP handa nang arestuhin si Erap

-
Mas lalong nakahanda ang Philippine National Police na arestuhin si dating Pangulong Joseph Estrada sakaling magpalabas na ng arrest warrant laban sa kanya ang Sandiganbayan kaugnay ng mga kinakaharap niyang kaso tulad ng plunder, perjury, ill-gotten wealth, graft and malversation of public fund.

Ito ang inihayag kahapon ni Acting PNP Chief Deputy Director General Leandro Mendoza bilang tugon sa pahayag kamakalawa ni Estrada na handa itong magpaaresto sakaling makasuhan sa Sandiganbayan bagaman umaapela ang pinatalsik na Pangulo sa Supreme Court para ikonsidera ang desisyon nito na tumatanggi sa kanyang immunity sa demanda.

Gayunman, sinabi ni Mendoza sa isang forum sa Ciudad Fernandina sa Greenhills, San Juan na dadakpin lang nila si Estrada kung may utos na sa PNP ang Sandiganbayan. Nakaalerto rin ang pulisya sa posibleng pang gugulo ng mga tagasuporta ng dating Pangulo sakaling magpalabas na ng arrest warrant ang korte.

Idiniin ni Mendoza na nakahanda na sila sa posibleng mangyaring kagulu han sa pagdakip nila kay Estrada.(Ulat ni Joy Cantos)

CHIEF DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

CIUDAD FERNANDINA

JOY CANTOS

MENDOZA

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN JUAN

SANDIGANBAYAN

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with